Dagupan City – Nananatili pa rin sa evacuation centers ang mga pamilyang nailikas sa Barangay Malued dahil sa pagbaha.

Ayon kay Pheng Delos Santos,Barangay Captain ng Malued Dagupan City, patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang monitoring sa mga lugar na may mataas ang antas ng tubig partikular na sa bahagi ng lucao.

Nasa tinatayang higit 120 individuals naman ang naitalang apektado, o nasa 9 zones sa barangay, at 4 rito ang may matataas na lebel ng tubig.

--Ads--

Isa sa kanilang mga ipinapamahagi ay ang mga food packs at ang mga hygiene kits.

May mga naitala naman ng mga nagkakalagnat dulot ng pabago-bagong panahon ngunit wala pa namang naitatalang mga malubhang karamdaman gaya na lamang ng leptospirosis.

Mensahe naman nito sa mga stranded pa sa loob ng kanilang tahanan, patuloy ang kanilang pamamahagi ng mga food supplies at pag-iikot upang agad na mabigyan ng tulong.

Binigyang linaw naman nito na hindi lahat ng mga nasa fisheries ay nag-evacuate sa lugar at panawagan nito sa mga residente sa lugar, iwasang magtampisaw sa tubig baha upang makaiwas sa anumang sakit na banta nito.

Para naman sa evacuee na si Loreta Vinoya, hindi pa nito alam kung hanggang kailan siya mananatili sa evacuation facility dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng lebel ng tubig sa kanila.