Dagupan City – Nagpababa sa tingin ng publiko ang ginawang pagtrato ng National Bureau of Investigation at Philippine National Police kay Dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay Atty. Francis Dominick P. Abril, Legal / Political Consultant, kung titignan kasi ang ginawang pagsundo at pagpapa-selfie ng mga ito sa kaniya ay mistulang kawalan ng pagkaka-pantay pantay.

Dapat aniyang ipakita ng mga ito na puspusan ang paghahanap sa mga suspek at dapat ipakita rin na walang kinikilingan ang batas.
Dahil dito, dapat din aniyang magpaliwanag ang mgatop officals, dahil malinaw na ipinakita nila na may difference sa teatment ang mga ito.

--Ads--

Muli namang binigyang linaw ni Abril na hindi dapt ang senado tumututok sa kaso, dahil nasa in aid of legislation lamang ang mga ito maliban na lamang kung maaring gamiting ebidensya ang sinasabi sa abogado.

Binigyang diin naman nito na sana’y hayaan na lang ang Department of Justice, law enforcement, at office of the ombudsman ang bumuo ng kaso dahil sila ang may jurisdiction doon.

Nakakalungkot naman aniya na mistulang nakasanayan na ng bansa na kapag may fugitive na suspek ay mas tumatagal ang paghahanap sa kanila.