Dagupan City – Kinumpirma ni Australian Ambassador to the Philippines HK Yu na isinasapinal na ng Australian government ang AUD45 million o katumbas ng P1.7 billion Economic Growth Development Program para sa bansang Pilipinas.
Ayon kay Yu, layunin ng aid na palakasin ang trade and investment relations sa pagitan ng dalawang bansa.
Kung saan ang AUD45 million program ay ikakalat sa loob ng limang taon at inaasahang ilulunsad sa susunod na taon.
Dahil dito, ang Australian Embassy ay nakikipagtulungan na sa Philippine government para sa pagbalangkas ng plano.
Bukod naman sa Economic Growth Development Program, sinabi niya na ang Manila office ng Australian Investment Deals Team ay gumagalaw na rin.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay pinili ng Australian government ang Manila bilang isa sa “Deals Teams” hubs nito na siyang bahagi ng kanilang Southeast Asia Economic Strategy to 2040.