BOMBO DAGUPAN – Nakatakdang bumaba muli ang mga presyo ng gasolina isang linggo matapos ipatupad ang bahagyang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo noong nakaraang linggo.

Ayon kay Rodela Romero, Director III ng Oil Industry Management Bureau, na ang rollback sa domestic pump prices ay mararanasan ng mga motorista ngayong darating na linggo batay sa 4 na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore.

Ang mga tinantyang pagsasaayos ay ang mga sumusunod:
Gasolina – 1.00 hanggang 1.30
Diesel – 1.00 hanggang 1.30
Kerosene – 1.20 hanggang 1.35

--Ads--

Ang matamlay na demand mula sa China at US, ay nag-ulat na ang Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC+) ay nagplano na palakasin ang output ng 180,000 barrels kada araw sa Oktubre at ang pagbawi ng produksyon ng langis sa Libya ay mga dahilan sa pagsasaayos ng presyo.