Dagupan City – Sa paghubog ng isang mahusay na atleta sa kahit na anumang palakasan, ang coach ay may pinakamalaking ambag upang gumabay sa mga atleta.
Mula kasi sa mga training ng mga manlalaro at paggabay, pagbibigay disiplina sa kani-kanilang kinabibilangang sports.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Coach Dante Camaso, ang tumatayong sports director ng Virgen Milagrosa University Foundation at Head coach ng Track and field group ng VMUF.
Ibinahagi nito ang kaniyang karanasan na bago siya maging coach ay dati rin siyang manlalaro at PE instructor, at dito niya nakita na mahirap pagsabayin ang pagtuturo sa pagiging isang coach partikular na pagdating sa pag catch-up sa mga lessons ng kaniyang mga estudyante.
Dito niya naman napagtanto na maaring kailangan na niyang ituon ang pansin sa pagiging isang full-time coach upang mas makapagbigay ng sapat na oras sa coaching na kaniya ring passion.
Aniya, ang pangunahing tungkulin ng isang coach ay maging obligado at magkaroon ng commitment sa pagtuturo at paggabay sa mga atleta.
Sa loob naman ng siyam na taon niya bilang isang head coach sa track and field marami na siyang natutunan sa kaniyang mga nagging karanasan at mga nakakasalamuha na mga atleta.
Isa na nga rito ang naranasang hamon sa kaniyang coaching journey gaya na lamang ng pagkuha ng mga suporta pagdating sa mga national competitions
Ipinagpapasalamat na lamang aniya at nagiging inspirasyon sakaniya ang mga scenariong tuwing nakikita niyang nagiging matagumpay ang kanilang mga estudyante na makapagtapos sa pag aaral at sa mga atleta naman ay tuwing nagtatagumpay sila sa kani kanilang mga sports na kinabibilangan.
Isa naman sa nananatiling motibasyon sakaniya para mas tumagal pa sa pagiging isang coach ay ang magandang pundasyon mula sa kanilang institusyon at ang makita kung gaano ka dedikado ang mga atleta na kaniyang tinuturuan.
Pagdating naman sa pagbabalanse ng kaniyang oras, aminado si coach Dhan na talagang madaming oras ang kaniyang nagugugol sa kaniyang trabaho na nangangailangan talaga aniya ng full commitment Lalo na at hindi lang sarili ang kaniyang iniisip kung hindi pati ng kaniyang mga atleta at kapwa din niya mga coach.