Dagupan City – Bumaba ang inflation rate sa bansa ng 3.3 percent nitong buwan ng Agosto, nangangahulugan na kahit papaano ay makakahinga ang publiko lalo na ang mga mamimili.

Ngunit umalma naman si Albay 2nd District Representative Joey Salceda dahil sa gitna ng paggalaw ng inflation rate o galaw ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin ay iminungkahi nito na sana ay ang higit na pagtutok sa presyo ng mais.

Ayon kasi kay Salceda, kung nais natin na mapigilan ang pagtaas sa presyo ng mga pagkain ay kailangang tutukan ang presyo ng mais na nakakaapekto rin sa presyo ng mga poultry products tulad na lamang ng manok.

--Ads--

Sa kabila nito ay umaasa pa rin si Salceda na lalong pagsusumikapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at ng kanyang agriculture and food security team na mapababa ang presyo ng mais gayundin ng bigas sa mga susunod na buwan lalo’t papalapit na ang panahon ng anihan.