BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang isang aktibistang American-Turkish matapos maiulat na pagbabarilin ng mga puwersa ng Israel sa isang protesta sa West Bank.
Ayon kay Palestinian ambassador sa UK na si Aysenur Ezgi Eygi ay binaril sa ulo sa Beita, malapit sa Nablus, nito lamang Biyernes.
Saad ng mga doktor na dumating sa ospital ang 26-anyos na may matinding pinsala sa ulo at hindi nila nagawang i-restart pa ang kanyang puso.
Si Eygi ay miyembro ng Palestinian-led International Solidarity Movement (ISM) kung saan tinawag ito ng Turkish foreign ministry na “pagpatay” ng mga pwersang ng Israel sa Nablus sa West Bank”.
Samantala, ang militar ng Israel ay nag-iimbestiga at sinabing ang kanilang mga tropa ay tumugon ng marahas na aktibidad na bumato sa mga pwersa at nagdulot ng banta sa kanila.
Tinawag naman ito ng kalihim ng estado ng US na si Antony Blinken na isang “tragic loss” at sinabing ang mga opisyal ng Amerika ay “matinding nakatuon” sa pagtatatag ng mga katotohanan.