BOMBO DAGUPAN -Isang sikat na tourist island sa timog ng mainland China ang tinamaan ng pinakamalakas na bagyo sa nakalipas na sampung taon.

Ang Super Typhoon Yagi ay bumayo sa lungsod ng Wenchang, sa hilagang-silangan ng Hainan Island, na may lakas ng hangin na 223 km/h (138 mph).

Si Yagi ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Hainan mula noong Rammasun noong 2014, na pumatay ng 46 katao.
Ayon sa ahensya ng panahon ng China, ito ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa taglagas.

--Ads--

Mahigit 400,000 katao sa Hainan Island ang inilikas sa ligtas na lugar bago dumating si Yagi.

Sinuspinde ang biyahe ng mga tren, bangka, at biyahe ng eroplano, habang isinara ang mga paaralan.

Nagbabala ang Indo-Pacific Tropical Cyclone Warning Center na si Yagi ay isang “napakadelikado at makapangyarihang” super typhoon na maaaring magdulot ng “posibleng mapaminsalang” pagtama sa lupa.

Ang isang super typhoon ay katumbas ng isang Category 5 na bagyo.