BOMBO DAGUPAN -Hindi na bago sa Kilusang Mayo Uno ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Ayon kay Jerome Adonis ,Secretary General ng Kilusang Mayo Uno, hindi na ito nakakapagtaka dahil
walang sariling industriya ang bansa na kayang mag absorb ng mga new labor force at mga dating walang trabaho.

Sinabi nito na ang ating ekonomiya ay nakaasa lamang sa pag enganyo ng mga foreign investor mula sa ibayong dagat.

--Ads--

Kaya naman kapag walang investor na pumasok o kapag may investor na umalis sa bansa ay otomatikong dadami ang bilang ng mga walang trabaho.

Hindi rin siya kumbinsido sa inilabas na datos dahil inilabas lang ito para lang sabihin na may ginagawa ng gobyerno para tugunan ang problema.

Dagdag pa niya na napakaliit ng oportunidad ng trababo sa bansa kaya ang direksyon ay papunta sa abroad ng mga propesyunal at mga bagong labor force o bagoNg graduate.

Una rito, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Hulyo ng kasalukuyang taon.

Base sa Labor Force Survey results, tumaas ng 4.7% ang unemployment rate o sa 2.38 million ang bilang ng walang trabaho na edad 15 anyos pataas noong nakalipas na Hulyo. Ito ay mas mataas kumpara sa 1.62 million walang trabaho noong Hunyo at 2.29 million na naitala noong July 2023.