BOMBO DAGUPAN – “Parang walang kontrol ang gobyerno sa presyo ng mga pagkain sa bansa.”
Yan ang ibinahagi ni Cong. Argel Joseph Cabatbat Chairman, Magsasaka Partylist kaugnay sa mga nadisdiskubreng mga smuggling na sibuyas sa bansa.
Aniya na taong 2022 ay may na-expose din sila na umamin mismo ang mga suspek na nagpapasok ng tone-toneladang sibuyas noong panahon ng anihan ng sibuyas kahit walang import permit.
Kaugnay naman nito ay kasalukuyang may nadidiskubre ding cartel bagamat hindi pa convicted ay umaasa siya na may makulong o masampolan manlang upang maturuan ng leksiyon.
Bukod pa diyan ay ibinahagi niya din ang kagustuhan na sana ay maibalik sa dati ang kontrol ng gobyerno sa mga presyo ng mga pagkain.
Dahil sa ngayon ay tila ang mga importers ang may kakayahan na magtakda ng presyo ng mga bilihin lalo na ng mga produktong agrikultura na siya namang nagiging dahilan upang malugi at mawalan ng gana na magtanim ang ating mga magsasaka.
Dapat aniya ay tumaas ang lokal na produksiyon hindi dahil sa smuggled kundi dahil sa suporta.
Samantala, malaki naman ang naging epekto ng Bagyong Enteng aniya sa sektor ng agrikultura kayat nakikiusap ito sa gobyerno lalo na kay House Speaker Martin Romualdez na sana ay malaman ang mga naapektuhan upang maprioritize sa pagbibigay ng tulong.
Dagdag pa niya na sana ay bigyan din ng malaking pondo ang mga magsasaka para sa food sovereignty ng ating bansa.