Dagupan City – Hindi nakakatulong ang ipinapakitang attitude ni Vice President Sara Duterte sa publiko sa kaniya ayon sa Constitutional Lawyer.
Ayon kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, kung aanalisahin kasi ang kaganapan sa senado, nais ipakitang impression ng mga ito sa publiko ang pagiging “loose of budget” ng bise presidente.
Kung kaya’t ang nangyaring padinig sa senado kamakailan na pagbusisi ng mga mambabatas sa panukalang budget ng Office of the vice-president (OVP) ay dapat sinagot ni VP Sara ang mga katanungan ng mga 17 nakaharap sa kaniya ng maayos at hindi sa iisang puntong kasagutan lamang.
Hinggil naman sa pagpapatawag kay dating pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs campaign, hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon aniya na ang dating pangulo ay napatawag at naharap sa subpoena.
Dahil kung matatandaan, humarap din sa pagdinig si Late President Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa issue ng dengvaxia vaccine.
Lumalabas naman aniya na ang ginagawa sa Quad-committee hearing ay mistulang pare-parehas lamang ang tanong na ibinabato sa mga akusado.