BOMBO DAGUPAN – Pinag iingat ngayon ang publiko sa pagbili ng mga nakalalasong laruan ngayong Ber months.

Ayon kay Tony Dizon, Campaigner at advocacy officer ng Ban Toxics, sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sila ay naglunsad ng bagong Infographic upang maitaas ang kamalayan ng publiko laban sa mga laruang toxics na ipinagbibili ngayong pagpasok ng ‘Ber’ Months.

Ang nasabing infographic ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mapanganib na kemikal na nasa mga laruan—karamihan ay ilegal na ginawa—na ibinebenta sa mga pamilihan.

--Ads--

Ang mga laruan na naglalaman ng mga nakakalason na kemikal ay ibinebenta sa mga lokal na pamilihan, partikular sa mga bargain shop. Dahil halos mura ang mga ito, nagiging mga regalo ang mga ito para sa mga naghahanap upang makatipid ng pera.

Nagbabala si Dizon na ang mga laruang ito ay delikado sa kalusugan ng mga bata.

Dagdag pa ni niya na ang mga laruang naglalaman ng mga toxic chemicals ay kadalasan kulang sa proper labeling at safety information, at hindi rin dumaan sa tamang pagsusuri at hindi nakatugon sa health and safety regulations.

Sa ilalim ng Republic Act 10620, ang “Toy and Gaming Safety Act of 2013,” lahat ng mga laruan na ibinebenta sa bansa ay kinakailangang may safety labeling.

Binangit ni Dizon na ang mga kemikal na consistent na nakikita pa rin sa ilang mga laruan ay kimnabibilangan ng Lead, Phthalates, Cadmium, Bisphenol A (BPA), Chromium, Formaldehyde, Bromine, Chlorinated Paraffins, Mercury, at Arsenic na pawang mga toxic chemicals na maaaring inihalo sa ilang mga laruan habang gnagawa ang mga ito.