BOMBO DAGUPAN – Hindi naging matagumpay ang mga naunang batas patungkol sa pabahay program ng gobyerno.

Ayon kay Primo Amparo, Chairperson, Workers for Peoples Liberation, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kailangan ng magkaroon ng bagong batas sa pabahay dahil bagamat may mga batas dati na pinagtibay ng gobyerno pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang problema sa kawalan ng pabahay para sa mga mahihirap.

Sinabi ni Amparo, na imbes na makatulong ang programa sa mga maliliit na mamamayan, ay mas natutulongan ang mga housing market, mas nakatutok sa pagbibigay ng pondo sa mga developer at hindi para sa pagresolba sa pabahay para sa mga maliliit na kababayan.

--Ads--

Aniya, dahil sa napakababang sahod ng mga mangagawa ay wala silang kakayanang bumili ng housing unit sa ilalim ng programa ng pamahalaan.

Base sa statistics, wala pang kalahati sa mga pamilyang Pilipino ang may sariling bahay.

Kaugnay nito ay hiniling nito sa pamahalaan na dapat ituon ang programa sa pabahay sa mga kababayan na wala talagang tirahan lalo na ang mga nasa squatters area.

Binigyan nga ng relocation sa ibat ibang lugar kaya lang dahil malayo ang trabaho nila ay naoobliga na umalis sa lugar at inookupa ng iba kaya iba na ang nag mamay ari.