BOMBO DAGUPAN – Target sa recruitment ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPPNPA) ay mga kabataan partikular na ang mga estudyante.
Ayon kay Ka Greg, Former NPA Rebel taong 2011 noong siya ay isa pa lamang estudyante sa kolehiyo nang siya ay marecruit ukol dito.
Nagsimula siya bilang full time activists sa isang state university dito sa rehiyon 1 hanggang sa naging bahagi siya ng armadong grupo kung saan pinadala siya sa mountain province.
Aniya na ilan lamang sa mga aktibidad na isinasagawa nila doon ay military training, medical training at marami pang iba.
Kaugnay nito ay palipat lipat din sila ng kampo.
Naipadala din siya sa probinsiya ng Abra kung saan pagbabahagi niya na doon ay nagsasagawa sila ng youth activities sa mga far flung areas at kalaunan ay nirerecruit din sila.
Taong 2017 noong hindi pa libre ang tuition fee sa mga state universities at colleges ay isa ito sa mga pinaglalaban nila subalit kapag pumasok ka na pala sa kanilang grupo aniya ay hindi pa doon nagtatapos ang kanilang pakay.
Irerecruit ka hanggang maging NPA at doon ay magsusulong ng armadong pakikibaka at agawin ang pampolitikang kapangyarihan.
Samantala, noong napasya naman siya na magbalik loob sa gobyerno aniya ang paalam niya ay ipagpapatuloy niya ang kaniyang pag-aaral.
Bagamat kapag sinabi niya ang kaniyang totoong dahilan ay maaaring hindi na siya pakawalan at doon narin bawian ng buhay.
Nagpaalala na lamang ito lalo na sa mga kabataan na huwag magpapadala sa magagandang sinasabi ng cppnpa.
Tama na may kailangang ipaglaban ngunit madadaan sa mas maayos na pakikipag-ugnayan at pakikipagsulong sa mga pangangailangan.
Dagdag pa niya na tama na ang ilang dekadang madugong pakikibaka.