BOMBO DAGUPAN- Dapat lamang na doblehin ang budget sa sektor ng edukasyon para sa 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladimer Quetua, Chairperson ng Alliance of Concerned Teachers Philippines, kinakailangan ito para masolusyonan ang mga problema sa edukasyon lalo na sa kakulangan sa silid-aralan, kaguruan, at learning materials.

Maliban diyan, ipinapanawagan din nila ang pagtaas ng sahod para sa mga guro.

--Ads--

Aniya, ikinakalungkot nila na hindi naging pantay ang pagtaas ng kanilang sahod batay sa inilabas na Executive Order no.64. At lumalabas lamang na 9 sa 10 guro ay sumasahod ng hindi nakabubuhay.

Nabanggit din ni Quetua na nagkaroon man ng progreso sa pagbawas ng teaching hours sa Matatag Curriculum subalit, patuloy pa din itong nakabase sa Programme for International Student Assessment (PISA) at hindi nalalayo sa K12 program.

Kaya aniya, dapat itong ibasura habang pinapabuti ang labor flexibility.

At sa pagsalubong ng World’s Teachers month, inaasahan nila na magkaroon din ng magandang balita para sa pagpapabuti ng edukasyon sa bansa.