BOMBO DAGUPAN – Mayroon pang sampung pamilya mula sa 23 pamilyang lumikas sa kani-kanilang tahanan dahil sa pagbaha sa bayan ng Umingan.
Matatandaang itinaas sa signal 1 ang Eastern Portion ng Pangasinan na kinabibilangan ng bayan ng Umingan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kennedy Sonaco LDRRM Officer ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa nasabing bayan na nasa 27 barangay ang naapektuhan ng bagyo dahil sa pag-apaw ng mga tubig sa mga dike at ilog dahil sa tuloy-tuloy na pag-uulan.
Aniya na ang iba sa mga barangay ay hindi na lumikas dahil kaya namang pamahalaan ang taas ng tubig ngunit may kabuang 23 pamilya o 74 na indibidwal ang lumikas mula sa Barangay Gonzales, Dicreto at Poblacion East habang base naman sa tala ng Municipal Social Welfare and Development ay 10 pamilya na lamang ang nananatili sa Covered Court sa bayan na halos lahat ay mula sa Barangay Gonzales.
Saad pa nito na humupa na ang ilang mga tubig baha sa mga barangay na naapektuhan kahapon na ang iba ay hanggang beywang ang tubig pero nasa moderate parin ang lebel ng tubig nila sa mga ilog sa bayan ngunit hindi na ganon kalala kumpara kahapon na talagang umapaw sa mga creek.
Sa ngayon patuloy ang monitoring sa mga tubig sa ilog at dike ng kanilang opisina at sumusubaybay sa kalagayan ng panahon sa social media habang nakahanda na din ang mga relief goods sa mga lugar na kakailanganin nito.