BOMBO DAGUPAN – Nakakasama ng loob at nakakasira sa buong organisasyon ang pagtawag sa Philippine National Police na pinakamalaking crime group sa Pilipinas.

Ayon PCol Jeff E. Fanged, Provincial director ng Pangasinan Police Provincial Office, maraming kasamahan nila ang sakripisyo ng kanilang buhay dahill sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Aniya, bilang dating hepe ng Integrity Monitoring Enforcement Group, bago siya naging provincial director ay nanghuhuli sila ng mga tiwaling pulis dahil hindi nila kinokonsinti at mariin nilang kinokondina ang mga kasamahan na gumagawa ng illegal na aktibidad.

--Ads--

Aminado siya na may mga kabaro sila na nawawala sa landas pero wala pa sa isang porsyento. Marami pa rin aniyang matitinong pulis na ginagampanan ang kanilang trabaho.

Samantala, hindi naman bumaba ang morale ng mga kapulisan dito sa lalawigan sa naging pagtawag dahil alam nila na hindi naman totoo pero dahil sa paghanay sa pambansang pulisya sa grupo ng mga kriminal ay buong organisasyon ang nadamay.

Matatandaan na una ng inalmahan ng pamunuan ng Philippine National Police sa naging pahayag ni PLtCol. Jovie Espenido sa Kamara na ang PNP “ang biggest crime group sa bansa”.