BOMBO DAGUPAN – Ngayong buwan ng Setyembre ay ipinagdiriwang ang Suicide prevention month kung saan layunin nitong magkaroon ng kamalayan ang mga tao sa posibleng senyales at mga sintomas kung ang isang tao ay may suicidal tendencies.

Ayon kay Dr. Nhorly Domenden Director ng Wundt Psychological Institute na umaabot sa puntong kinikitil ng isang tao ang kaniyang sariling buhay kung hindi na niya makayanan ang kaniyang mga pinagdadaanan na siya namang maiuugnay sa mga mental health disorders.

Aniya na ang iba ay nagkakaroon ng depression samantala naman ang iba ay nakakapagcope-up ukol dito. Bagaman malaking salik kung paano tingnan o iperceive ng isang tao ang kaniyang sitwasyon.

--Ads--

Kaugnay dito ay hindi naman lahat ng suicidal cases aniya ay mayroong nakikitang palatandaan, may mga kasong silent o asymptomatic at nangyayari ito kapag ang dahilan ay acute distress.

Kung saan kapag nakaranas ng biglaang stress ang isang tao karaniwan ay hindi nakakayanan o humahantong sa pagkitil ng sariling buhay.

Samantala, ilang lamang sa senyales ng isang taong depress aniya ay malulungkutin, nag-iisolate, hindi nag-eexpress o nakikisalamuha sa ibang tao.

Sa kasalukuyan naman aniya kung ating oobserbahan ay tumataas ang mga suicidal cases dahil hindi na ganoon katibay ang mental fortitude ng isang tao gayundin ay hindi na rin ganoon katatag ang kanilang isip at loob.

Ani Dr. Nhorly malaking bahagi ang impluwensiya ng lipunan kung saan wala ng masyadong oras para sa interaksiyon sa pamilya, kaibigan at ibang tao.

Paalala na lamang nito na maging sensitive sa pag acknowledge sa nararamdaman at pinagdadaanan ng isang tao.