BOMBO DAGUPAN- Nanawagan ng nationwide general strike ang isang malaking Israeli labour union na Histadrut matapos marecober sa Gaza Strip ang 6 na labi ng mga bihag ng Hamas.
Hinihikayat ni Arnon Bar-David, chairman ng union, na magsagawa ang mga union ng one-day walkout mula alas-11 nang umaga ngayong lunes, oras sa Pilipinas.
Lumabas ang interbesnyon ilang oras lamang bago magprotesta ang libo-libong katao sa kalsada ng Tel Aviv at Jerusalem upang ipanawagan kay Prime Minister Benjamin Netanyahu ang pagsulong ng kasunduan na maibalik ang mga natitirang bihag.
Isinusulong ng mga pamilya ng mga binihag ang nationwide strike bilang panawagan din sa ceasefire agreement sa pagitan nina Nentanyahu at ng Hamas.
Saad naman ni Netanyahu na nais niyang matiyak ang kasunduan para sa mga bihag subalit, hindi umano ito ang kagustuhan ng mga pumapaslang sa mga bihag.