BOMBO DAGUPAN- Nasawi ang 7 katao habang marami naman ang sugatan sa aksidenteneng kinasangkutan ng isang bus sa Mississippi.

Ayon sa mga otoridad, tumaob ang naturang bus sa isang major motorway malapit sa Bovina sa Warren County.

Sinabi naman ng Mississippi Highway patrol na dead on the spot ang 6 na pasahero. Habang sa ospital na binawian ng buhay ang isa pang pasahero.

--Ads--

Umaabot naman sa 37 katao ang mga sugatan na dinala sa ospital.

Gayunpaman, wala nang iba pang sasakyan ang nadamay sa insidente.