BOMBO DAGUPAN- Sino ba ang hindi iinit ang ulo kung sa umaga pa lamang ay hindi na makausad sa napakahabang trapiko? Tiyak, maliban sa pagod, ay makakaramdam ka din ng gutom.
Ngunit pano na lamang ba kung ang nagdulot din ng trapiko ay pagkain din?
Alas-3 nang madaling araw nang makatanggap ang Southern Division ng California Highway Patrol ng report na nabangga umano ang isang semi-truck sa isang attenuator.
Napag-alaman ng mga kapulisan na gumawa ng hindi ligtas na pagliko ang driver dahil sa hindi malaman na rason kaya ito nabangga.
Dahil dito, kumalat ang mga dala nito sa highway kabilang na ang gasolina.
Hindi man kumpirmado na mula din ito sa truck subalit, kabilang din sa mga nakitang nakakakalat sa daanan ay ang napakaraming kahon na naglalaman ng french fries.
Inabot naman ng 2 oras ang paglilinis ng mga otoridad sa mga nakakalat na french fries. Alas 11:15 nang umaga nang magbukas na muli ang mga apektdong linya ng daanan.
Gayunpaman, wala naman silang naitalang sugatan o nasawi mula sa insidente.