Dagupan City – Bukas sa pagkakaroon ng panibagong water service entity ang Manaoag Local Government Unit para maging efficient ang serbisyo sa bayan hinggil sa pagpapalago ng tourist arrival.

Ayon kay Manaog Mayor Jeremy Rosario, inaasahan na rin kasi ang paglago ng kalakalan sa kanilang bayan kung kaya’t maganda angh nasabing inisyatiba.

Dagdag pa rito ang nakatakdang pagkakaroon ng monarch hotel at iba pang mga businesses na nag-ooperate na rin.

--Ads--

Bagama’t dagsaan na ang mga turista sa kanilang bayan noon, malaking hamon pa rin aniya ang pagpapanatili ng mga ito an siyang ginagawa na ng hakbang at aksyon ng mga lokal na pamahalaan.

Gaya na lamang ng pag-oorganisa ng mga business club katuwang ang mga malalaking business clubs at small business owners na may layuning mas mapaigting ang pagtutulungan, dahil mas magiging malapit ang mga business owners sa isa’t isa.