Dagupan City – Kasalukuyang nasa 60% palang ang mga nagpaparehistrong bagong botante sa bayan ng Umingan.

Ayon kay Jinky Tabag, Head ng Commission on Election sa nasabing bayan, hindi pa nila naaabot ang target nila na 3,000-3500 newly registered individuals’ para sa eleksyon sa 2025.

Aniya, nasa higit 3700 na ang kabuuang datos ng mga transaksyon nila na pumupunta sa kanilang opisina simula noong pang buwan ng Pebrero hanggang ngayon.

--Ads--

Dagdag nito, lahat ng application ay kanilang kini-cater kung saan pinagsama na ang mga nagpupunta sa kanilang opisina kaya inaasahan pa umano na madaragdagan pa ang mga magpapa-rehistrong bagong botante, dahil na rin sa patuloy pagsasagawa ng Satellite registration.

Ikinalungkot naman nito na ang ilang residente o indibidwal ay hindi makapaglaan ng oras para magparehistro lalo na sa ilang barangay na kanilang pinupuntahan, dahil kung tutuusin aniya inilalapit na ang registration ngunit bakit mangilan-ngilan parin ang nagtutungo.

Samantala, ilan naman sa kanilang isinasagawang hakbang upang mahikayat ng mga magpapa-rehistro ay ang paglalaan ng oras para sa pagbisita sa bawat barangay, pagtutok sa ilang sektor gaya ng LGBTQIA+, Senior Citizens, PWD’s at person’s with commorbidities.