BOMBO DAGUPAN – Wala pang bagong kaso ng African swine fever sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura sa naging panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, tuloy tuloy ang monitoring sa probinsya sa pagpasok ng mga baboy galing sa ibang lalawigan.

Partikular na binabantayan ng ma kawani ng Provincial Veterinary Office ang mga baboy na galing sa Batangas at Meto Manila upang hindi makapasok sa probinsya ang nasabing sakit.

--Ads--

Sa ngayon ay wala pang mga lugar sa Bulacan at Tarlac na nakapag tala ng ASF.

Matatandaan na sa datos ng Bureau of Animal Industry (BAI) as of August 21, 458 na barangay na sa 32 probinsya ang may kaso ng ASF.

Pinakamarami sa mga apektado ay sa Batangas, Occidental Mindoro, at North Cotabato.