Dagupan City – Mga kabombo! Naranasan mo na bang magtipid?

Isang babae kasi na nasa edad 34 ang nakabili ng 3 bahay dahil raw sa sobrang pagtitipid.
Na kinilala ring isang cat lover kung saan nakagawa ring makapagpatayo ng isang shelter for cats.

Ang Japanese woman ay si Saki Tamogami, na binansagan bilang “most frugal woman in Japan.”

--Ads--

Ayon sa ulat, noong 2019 ay na-feature ang kanyang kuwento ng tagumpay sa isang TV program sa Japan na itinatampok ang mga babaeng nagpunyagi dahil sa tiyaga at sipag.

Kung saan ay inilahad sa programa ang kuwento ni Saki na gumagastos lamang siya ng 200 yen o $1.4 kada araw sa pagkain na ang katumbas na P79 o wala pang isandaang piso.

Inililista ni Saki ang lahat ng kanyang expenses para ma-monitor ang gastos.
Paliwanag nito, nakakaramdam siya ng satisfaction kapag nakikitang lumalaki ang kanyang ipon.

Nang magtapos sa kolehiyo, pumasok siya bilang assistant ng isang property agent. Tiniyak ng dalaga na wala siyang sentimong sasayangin sa kanyang sahod, at lubos ang kanyang pagiging praktikal.

Para makatipid, lahat ng pagkain ni Saki ay niluluto na niya sa bahay. At kung bibili man siya, dapat ay discounted food items. Madalas niyang bilhin ang tinapay, udon noodles, at labanos.

Hindi rin aniya siya bumibili ng mga lalagyan ng pagkain at kumakain na diretso sa mga pinaglutuan. Sa ganitong paraan, nakakatipid siya sa tubig.

Ang naging motto ni Saki sa loob ng maraming taon: “Never buy anything without a discount.”