BOMBO DAGUPAN – Binigyan ng highest level alert ang bansang Japan matapos tumama ang bagyong Shanshan na tinuturing na pinakamalakas sa nakalipas na dekada.
Tinatayang apat ang nasawi at higit 90 naman ang naitalang nasugatan. Bukod dito ay daan daang libo din ang nawalan ng kuryente.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Myles Briones Beltran, Bombo International News Correspondent sa bansang Japan madaming mga imprastraktura ang nasira, dahil sa lakas ng hagupit ng nasabing bagyo ay madaming nagsiliparan na debris at natumbang mga puno.
Aniya ay nagkaroon din ng landslide sa isang lugar doon na ikinasawi naman ng tatlong miyembro ng pamilya habang may isa pang naiulat na natrap sa kanyang tirahan matapos liparin ang bubong ng kaniyang bahay.
Agad naman itong dinala sa ospital ngunit hindi na umabot at kalaunan ay nasawi rin.
Kaugnay nioto ay marami ding mga flights ang ikinansela kabilang na ang domestic at international flights.
Ang mga subway rin doon ay napuno ng tubig at ang paglabas ng Alert level 5 ay nangangahulugan na matindi at napakalakas talaga ng nasabing bagyo.
Sa kasalukuyan ay hindi pa aniya sigurado kung nakabalik na ang kuryentye sa mga lugar na lubusang naapektuhan ng bagyo.
Samantala, nagpaalala naman ito na palagiang magdasal at mag-ingat gayundin maging handa sa mga bagyo na darating sa hinaharap.