BOMBO DAGUPAN – “We do not tolerate any wrongdoing”
Ito ang katagang binigyang diin ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil kaugnay sa isyu sa usapin sa financial assistance na Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS mula sa DSWD na nagkaroon umano ng pagbabawas sa mga ibinibigay sa mga benificiaries.
Ayon kay Bataoil, noong malaman niya ang isyu sa distribusyon ng financial assistance ay agad siyang nagsagawa ng imbestigasyon.
Aniya, sa general rule, ang pera ng taong bayan ay dapat hindi namamanipula ng sinuman at dapat ito ay mapunta sa kung saan ito nararapat mapunta.
Pagbabahagi pa nito, wala siyang sasantuhin kung sino man ang sangkot, mapa-kaibigan man o kamag-anak.
Sa kasalukuyan ay hinihintay pa nito ang resulta ng imbestigasyon para mapanagot ang may sala at nangako ito na pangangasiwaan nila ito ng mabuti at hindi maulit ang insidente.
Samantala, sa usapin sa pahayag ni PLtCol. Jovie Espenido na ang PNP ang biggest crime group.
Mariing tinututulan ni Bataoil ang naturang pahayag bilang dating pulis at isang retired general ng PNP.
Ayon sa alkalde, hindi totoo ang pahayag at ang Philippine National Police ay maasahan anumang oras at kung magkakaroon man ng problema ay ito ang most reliable professional institution in the land.
Ang PNP ay very noble at professional, hindi dahil galing siya dito kundi dahil ito ay isang institusyon na kailanman ay hindi itotolerate ang anumang masasamang gawain.