BOMBO DAGUPAN – Pinangunahan ni Agri Partylist Representative Wilbert Lee ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga benipisyaryo ng programang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP ng Department of Social Welfare and Development Office sa lungsod ng Dagupan ngayong araw.

Kung saan aabot sa limangdaan na mga benipisyaryo sa syudad ang nabahagian ng tulong pinansyal. Kabilang dito ang mga nasa 500 minimum wage earners at ang mga nasa informal economy.

Ayon kay Agri Partylist Representative Wilbert Lee na nilalayon ng programa na ito na makatulong at masuportahan ang bawat benipisyaryo sa kanilang mga pangangilangan sa pang-araw araw lalong Lalo na dahil sa nararanasang pabago bagong sitwasyon ng ekonomiya sa bansa at ang pagtaas sa mga pangunahing bilihin.

--Ads--

Ibinihagi rin nito ang isa sa kanyang mga pangunahing programa ang pagtutok sa sektor ng kalusugan, na bukas palagi ang kanilang opisina para sa lahat ng mga nangangailangan ng tulong pinansyal at medical.

Samantala, Bukod dito ay nagtungo rin si Agri Partylist Representative Wilbert Lee sa pamilihang bayan ng syudad upang personal na makamusta ang kalagayan at sitwasyon ng mga vendors at makita ang mga presyo ng pangunahing bilihin tulad na lamang ng karneng baboy at manok sa palengke.