BOMBO DAGUPAN- Aksidenteng nabasag ng isang 4 na taon gulang na batang lalaki ang isang 3,500-year-old jar sa isang museo sa Israel habang naglilinot ang kaniyang pamilya.
Nasa entrance ng Hecht Museum sa Haifa Friday ang hindi kinilalang bata nang mapadaan ang kaniyang pamilya sa mga babasagin na nakapetsa pa noong Bronze Age, o tumatakbo sa 2200-1500BC ang katandaan.
Ayon sa ama, bahagyang hinila ng bata ang banga dahil curious ito sa nilalamin nito, subalit ito naman ang naging sanhi ng pagkakahulog nito at nabasag.
Ikinagulat naman ito ng ama ng bata at ipinapanalanging hindi ang kaniyang anak ang salarin sa insidente.
Sa kabila ng nasirang historical item, naniniwala naman ang museo na maaari pa itong maayo at maibalik.
Muli naman nilang iniimbitahan ang 4 na taon gulang na bata at ang kaniyang pamilya upang ipakitang “okay lang” ang nangyari.
Saad naman ng museo na sinadya nilang hindi ito nilagyan ng glass protection upang mas ma-enjoy pa ng mga tao ang mga historical items.
Ang nasirang banga ay gawa sa Canaan region noong panahon nina King Solomon at King David.