BOMBO DAGUPAN – Umabot na sa tatlong katao ang nasawi sa landsllide habang may ilan ang nawawala at nasugaatan dulot ng malakas na bagyo na nag-landfall sa Japan.
Ang bagyong Shanshan ay nag-landfall sa Kagoshima prefecture, sa timog na isla ng Kyushu, bandang alas-8:00 ng umaga locall time ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).
Kabilang sa mga kumpirmadong nasawi ay mag asawa na nasa edad 70s at isang lalaking edad nasa 30s.
Naglabas ang ahensya ng isang bihirang “special warning” na nanganggahullugan na pinakamalalakas na bagyo, na nagbabanta ng mga pagguho ng lupa, pagbaha, at malawakang pinsala.
Taglay nito ang malakas na hangin na umaabot ng hanggang 252 km/h (157mph).
Hanggang 600mm ng ulan sa loob ng 24 oras ang inaasahang babagsak sa ilang bahagi ng Kyushu, na tahanan ng nasa 12.5 milyong tao.
Humigit-kumulang 255,000 bahay ang nawalan na ng kuryente.
Makikita sa mga video online ang malalaking puno na umiindayog, mga bubong na nalalaglag, at mga kalat na tinatangay ng malakas na hangin habang bumubuhos ang malakas na ulan sa isla.