Dagupan City – Pormal nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang batas ang Republic Act No. 12019 o ang “Loss and Damage Fund Board Act.”
Ito ay sa ilalim ng Republic Act No. 12019 kung saan ay binibigyan ng juridical at legal capacity ang Loss and Damage Fund Board na tutugon sa mga nasira at napinsala dulot ng climate change.
Kung saan nakatakdang magkaroon ng juridical personality ang board na may full legal capacity gaya na lamang ng mga nakipagkontrata, kumuha, at nag-dispose ng mga ari-ariang hindi natitinag kabilang na ang immovable at movable property.
Dagdag pa rito, nakatakda ring magkaroon ng kapasidad na makipag-ugnayan, magputol ng kasunduan, at makipag-usap sa World Bank bilang interim trustee at host ng fund’s secretariat, at isagawa ang mga aktibidad na kinakailangan para tuparin ang mga tungkulin.
Ang batas na ito ay bilang bahagi na rin ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) at ng Paris Agreement na siyang sinusuportahan din ang paggagawak ng pondo.