BOMBO DAGUPAN -Muli na namang maglalaban laban ang mga Atleta sa ibat ibang bahagi ng mundo sa Paris 2024 Paralympic Games sa France.

Ginanap ang opening ceremony kaninang ala 2 ng umaga sa Place de la Concorde to Champs-Élysées.

Nasa 4,400 atleta na may dissabilities, permanent injuries or impairments ang sasabak sa 22 sports sa loob ng 11 araw .

--Ads--

Samantala, nakahanda ang pambato ng bansa sina para-swimmer Ernie Gawilan at para-archer Agustina Bantiloc mga teammates nito na sina Jerrold Mangliwan, Cendy Asusano, Angel Mae Otom, and Allain Ganapin.

Kasama nila ang mga coaches na sina coaches Gershon Bautista ng Taekwondo, Jonathan Josol ng track and field, Berson Buen sa archery , at Brian Ong ng swimming.

Sinabi ni Paris 2024 president Tony Estanguet na para mabigyan ng pagkilala ang mga para-athletes kaya nila ginawa sa outdoor ang opening.

Umaasa si Philippine Paralympic Committee president Mike Barredo na magtatagumpay ang mga atleta dahil sa pursigido ang mga ito sa mga bawat sporting events na kanilang sinalihan.