BOMBO DAGUPAN- Natanggap na ng Nigeria ang 10,000 doses ng bakuna upang labanan ang mpox.
Sila na ang kauna-unahang bansa sa Africa na makatanggap nito sa gitna ng outbreak ng naturang sakit.
Sinimulan ng Nigera ang proseso upang matiyak ang mga bakuna bago pa idineklara ng World Health Organization ang global health emergency.
--Ads--
Gayunpaman, lumalabas sa pagtatantsa ng Africa Centres for Disease Control and Prevention na kinakailangn ng 10-million doses para sa buong kontinente.
Samantala, naging mabagal naman ang prosesoong dinaanan bago matanggap ng Africa ang unang pagdating ng mga bakuna.
Saad ng mga kritiko na naging malaking hamon ang regulatory process ng World Health Organization.