BOMBO DAGUPAN- Kinokondena ng Makabayan Bloc ang paggamit ng unprogrammed funds sa mga pork barrel projects.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Raymond Palatino, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayan, kanilang tintutulan ang paggamit ng nasabing pondo upang taasan pa ang salary ng mga government personnel.
Sa tingin nila, minaobre ang batas at budget para tiyakin ang malaking pondo para sa nasabing pork barrel projects.
Dahil dito, lalong nagiging kwestyonable ang mga unprogrammed funds dahil sa maaaring magamit ito sa pamomolitika para sa susunod na halalan.
Giit pa niya, nakapagtataka ang paglagay ng salary increase sa unprogrammed funds kung mas naaayon ito sa programmed funds.
Saad pa ni Palatino, dapat magkaroon pa ng malalimang review ang uprogrammed funds ng PhilHealth dahil marami pang kakulangan sa heath care ng bansa.
At dapat din imbestigahan ang PhilHealth dahil din sa mga hindi nagamit na pondo ng PhilHealth na labis na kinailangan para sa nakaraang pandemya.