BOMBO DAGUPAN – Tuloy-tuloy ang monitoring ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng lalawigan ng Pangasinan ito ay kaugnay sa nararanasang pagkulog at pagkidlat tuwing sasapit ang hapon at may pag-ulan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vincent Chiu ng nasabing opisina ay kadalasang nararanasan ito lalo na ngayong habagat season.
Aniya ay gawa ng mainit na panahon ay umaakyat ang init sa taas at kapag naghalo ang mainit at malamig ay doon nagkakaroon ng cloud formation na siyang pinagmumulan ng ulan maging ng thundestorm.
Kaugnay nito nagpaalala siya na kapag ikaw ay malapit sa mga ilog, dagat o anumang anyo ng tubig ay mainam na magtungo agad sa inyong tahanan kapag mayroong pagkulog at pagkidlat.
Bagamat ay hindi naman humihikayat ang mga ‘bodies of water’ ng kidlat subalit dahil ito ay conductor ng kuryente ay malaki ang tyansa na makadapo ang kidlat.
Samantala, kapag nasa open field naman aniya ay ‘stay as low sa ground’ at wag pumunta sa mga matataas na lugar lalo na malapit sa mga puno.
Pinabulaanan din nito na walang katotohanan na ang pagsusuot ng kulay pula ay mas nakakaattract ng kidlat.
Mainam na lamang ani Chiu na kapag may thunderstorm ay lumayo sa mga electric post gaya ng mga appliances at gadgets dahil malaki ang tyansa na makuryente.
Patuloy naman ang kanilang koordinasyon sa iba’t ibang ahensiya at nagpaalala ito na manatiling nakatutok sa mga advisory sa lagay ng panahon.