BOMBO DAGUPAN – Nagpaalala ang PAGASA Dagupan na maging alerto sa mabilis na pagbabago ng panahon lalo na at posibleng magkaroon ng buhawi tuwing maalinsangan.

Matatandaan na may mga naitatalang kaso ng buhawi sa lalawigan, kagaya na lamang sa bayan ng Malasiqui at Urbiztondo kamakailan.

Kung saan nangyayari ang pagkakaroon ng buhawi tuwing maalinsangan ang panahon at dulot pa rin ito ng thunderstorm.

--Ads--

Madalas nangyayari ito sa mga lugar na maluwang, walang obstructions, o di kaya sa open area dahilan upang makabuo ng circulation.

Ang lakas naman nito ay mula sa mga katubigan kagaya ng ilog isa ding dahilan ng pagbuo ng circulation.

Ayon kay Engr. Jose Estrada Jr., ang Chief Meteorologist ng PAGASA Dagupan, ukol sa kanilang monitoring ay naglalabas din sila ng thunderstorm advisory kada 1-2 oras na agad na ipinagbibigay alam.

Kaugnay nito ay madalas nabubuo ang buhawi mula 1-2 oras at kapag ito ay tumama na sa mga puno o kabahayan ay saka naman ito mawawala o hihina dahil matitigilan nito ang circulation.

Paalala naman ni Engr. Estrada sa mga tao na maging alerto sa biglang pagbabago ng panahon at kung makaramdam man ng biglang paglakas ng hangin ay umiwas na sa mga puno na maaaring bumagsak.