BOMBO DAGUPAN – Posible ang partnership sa Red Cross at hindi bawal sa batas.

Ito ang tiniyak ni Vice Gov. Mark Ronald Lambino sa sinasabing maaaring pumasok sa Memorandum of Agreement o MOA ang provicial government at ng Philippine Red Cross pagdating sa pagsusuplay ng pangangailagan ng dugo ng mga pasyente.

Ayon kay Lambino, marami ng MOA na pinasok ng Provincial government sa ibang private institution gaya na lamang ng Urdaneta District Hospital at ng Urdaneta Sacred Heart Hospital.

--Ads--

Inihalimbawa niya ang mga pasyente na hindi maaacomodate sa Urdaneta District Hospital Dialysis Center kung saan ay kinukuha ng Urdaneta Sacred Heart Hospital.

Binabayaran naman ng provincial government sa pamamagitan ng MAIP funds ang mga expenses sa dialysis.

Samantala, sa pagtalakay ng Sangguniang Panlalawigan sa pagtaas ng kaso ng dengue, puwedeng mag request umano si Provincial Health officer Dr. Ana Marie De Guzman, ng supplemental funds sa pagpuksa ng dengue.