BOMBO DAGUPAN – Kahapon ay ginunita ang Pambansang Araw ng mga Bayani o National Heroes Day mula sa orihinal na petsa.
Ilang dekada na ang nakalilipas at ilang mga pangulo na rin ang dumaan na nagpalipat ng petsa ng pagdiriwang ng National Heroes Day.
Sa hinaba-haba naman ng kuwento ng kasaysayan ng espesyal na araw, isa ang malinaw: walang kahit isang pangalan ng bayani na tinukoy ang batas na pinag-alayan ng pagtatatag ng National Heroes Day.
Maaari itong manipestasyon sa isang mahalagang mensahe na ang National Heroes Day ay para sa lahat ng mga tao sa kasaysayan at sa kasalukuyan na nagpakita at nagpapakita ng kabayanihan.
Ngunit mga ka bombo ano ba ang sukatan ng kabayanihan para sa inyo?
Kung ang tatanungin ang mga historian, maituturing na bayani ang isang taong nagkukusang magbigay ng serbisyo sa bayan nang walang anumang hinihintay na bayad o kapalit.
Samakatuwid ay maituturing ding bayani sa kasalukuyang panahon ang lahat mga taong nagbibigay serbisyo sa bayan gayundin ang mga ordinaryong mamamayan na may malasakit sa kapwa tao at handang tumulong na walang hinihintay na kapalit.