DAGUPAN CITY- Nagpapatuloy pa din ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring sunog sa Brgy. Caloocan Sur, sa bayan ng Binmaley kung saan siyam na pamilya ang apektado.

Ayon kay PLt. Ronaldo Aquino, Investigation Police Commissioned Officer ng Binmaley PNP, base sa pagsisiyasat ng mga imbestigador, hindi pa din natutukoy ang kabuoang danyos ng pinsala mula sa insidente.

Inaalam pa din kung ano ang tunay na sanhi ng pagliyab ng sunog.

--Ads--

Kaugnay nito, natupok naman aniya ang 5 kabahayan dahil gawa lamang ang mga ito sa light materials.

Gayunpaman, ligtas ang mga nabiktima at walang naitalang sugatan. Kasalukuyang nasa Barangay Hall ang mga ito upang pansamantalang may masisilungan at naabutan na din ng mga tulong.

Nagpaalala naman si PLt. Aquino ng pag-iingat sa bawat bahay. Iwasan aniya ang pag-overlad ng mga appliances dahil kadalasan ay ito ang salarin sa mga sunog.