BOMBO DAGUPAN – Kadalasang inuugnay sa pagiging warrior sa pamayanan ang isang bayani gaya na lamang ng mga dakila at sikat na tao.

Ayon kay Eufemio Agbayani III Historical Sites Development Officer II, National Historical Commission of the Philippines na sa kasalukuyan ay nagkaroon na ng ebolusyon ang depinisyon ng pagiging isang bayani.

Aniya na kahit sino kilala man o hindi, nasa posisyon man o wala basta sila ay mag-aalay ng talino, lakas at dangal sa bayan ay bayani na ring maituturing.

--Ads--

Ang pagiging bayani ay kumakatawan sa lahat ng tao at napakaraming mga bayani sa ating pamayanang lokal na hindi nabibigyan ng tuon.

Kaugnay nito aniya ay marami ang oportunidad para kilalanin ang ating mga bayani gaya na lamang ng pagbisita sa museo, mga monumento at maging sa panonood ng mga pelikula o mga dokumentaryo.

Hindi naman dapat kailangan memoryado lahat ng mga pangalan o maging ang mga petsa sa kasaysayan ang mahalaga ay mahigitan sa ating isip kung ano nga ba talaga ang pagiging bayani.

Samantala, aniya ay madaling makatutulong ang visualization ng ating kasaysayan batay sa paggamit ng mga ilustrasyon, mga bidyow o dokumentaryo upang mas madaling malaman ng mga kabataan.

Pagbabahagi nito na lahat tayo ay maaaring maging bayani ng kasalukuyang panahon at kung hangad natin na umunlad o umasenso ay huwag natin iasa sa iba ang ating kinabukasan bagkus ay may pagkukusa dapat sa ating sarili.