BOMBO DAGUPAN – Muling naghagis ng tear gas ang mga pulis habang nagsasagawa ng panalangin ang mga KOJC member, kung saan sa labas ng gate nila ito tinapon na may marami ring mga miyembro na nagtitipon.

Ipinagpatuloy ng mga ito ang kanilang pagsamba sa kabila ng pagsisikap ng pulisya na guluhin ang kanilang pagtitipon, na inaprubahan ng Davao LGU.

Madalas na ginagamit ng PNP ang tear gas at LRAD para ikalat ang mga dumalo at pigilan ang ibang residente ng Davao na sumali.

--Ads--

Samantala, idiniin naman ng mga miyembro ng simbahan na tulad ng tatlong batang Hebreo sa Bibliya, mananatili silang matatag sa kanilang pananampalataya, nakikialam man o hindi ang Diyos sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.