BOMBO DAGUPAN – Nagpamahagi ang Department of Agriculture (DA) sa Gitnang Luzon, sa pangunguna ng Field Operations Division ng fuel subsidy sa mga magsasaka ng lalawigan sa Bulwagan ng Kanlahi Diwang Tarlak, Tarlac City sa Tarlac.

Ang nasabing subsidiya ay magsisilibing tulong sa mga magsasakang naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng krudo sa nakalipas na panahon.

Kaugnay nito ay katuwang ng DA ang Development Bank of the Philippines (DBP) sa pamamahagi ng mga Fuel Assistance Card na may halagang P3,000 at maipagpapalit sa diesel o gasolina sa lahat ng malapit na gas station na tumatanggap ng card payments o kaya ay gumagamit ng Portable Card Machines o PCM.

--Ads--

Sa kabuuan, nasa 2,410 magsasaka ang mabibiyayaan ng subsidiya sa krudo sa buong lalawigan.