BOMBO DAGUPAN- Iniimbestigahan ng mga otoridad sa France ang pagsabog sa labas ng isang synagogue sa bayan ng La Grande-Motte bilang “attempted terrorist murder.”
Ayon sa mga kapulisan, sinilaban umano ang dalawang sasakyan sa labas ng Beth Yaacov synagogue na naging dahilan ng pagsabog. Naglalaman umano ng nakatagong gas cannister ang isa sa mga sasakyan.
Isa umanong lalaki na may bitbit na Palestininan flag at posible ding may baril ang nahuli sa cctv camera na sinusunog ang mga sasakyan.
Sinabi naman ni Jewish community leader Yonathan Arfi na ang naturang insidente ay pagtatangkang psgpaslang sa mga Hudyo. Dagdag pa niya, tila’y sinadyang isagawa ang pag atake sa mga sumasamba noong oras na iyon, umaga ng sabado sa kanilang oras.
Lima umanong katao kabilang na ang rabbi, ang nasa loob ng synagogue nang mangyari ang insidente. Wala naman nasawi at isang police officer lamang ang sugatan.
Tinatrack pa din ng mga otoridad ang may kagagawan ng pagsabog.