BOMBOO DAGUPAN- Umabot sa 230 na prisoners of war ang naging palitan ng Russia at Ukraine makalipas ang paglunsad ng cross-border attack ng Ukraine sa Kursk Region ng Russia.

Ayon sa defence ministry ng Russia, natanggap nila ang 115 mga sundalo ang naibalik sakanila, ito umano ang mga nahuli ng Ukraine sa Kursk, habang 115 din ang natanggap ni Ukranian President Volodymyr Zelensky.

Ito ang kauna-unahang palitan ng mga dalawang bansa simula nang pumasok ang Ukraine sa teritoryo ng Russia noong Agosto 6.

--Ads--

Ipinahayag ng Kyiv na isa sa layunin nilang pag atake sa Kursk ay ang makahuli ng mga sundalo ng Russia upang makipagpalitan ng mga bilanggong Ukrainian sa Russia.