BOMBO DAGUPAN – Tatlo ang nasawi at apat pa ang malubhang nasugatan sa pag-atake ng kutsilyo sa kanlurang lungsod ng Solingen sa Germany, ayon sa pulisya.

Nangyari ang pag-atake sa isang pagdiriwang sa sentro ng lungsod nitong Biyernes ng gabi kung saan ang umatake ay iniulat na nakalaya pa rin.

Ayon sa isang ulat ay isang lalaki ang random na nanaksak sa mga dumadaan.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay isinasagawa na ang paghahanap, kung saan ang mga police helicopter ay umaaligid sa itaas ng lungsod.

Nag-deploy din ang mga pulis ng 40 tactical vehicles sa paghahanap sa suspek na nanaksak.

Hinarangan na din ang mga kalsada, at hiniling ang mga residente na manatili sa loob ng kani-kanilang mga bahay habang isinasagawa ng mga opisyal ang kanilang paghahanap.