Dagupan City – Ikinonsidera ng isang Political Analyst na isang Political Harassment ang ginawa sa dating presidential spokesperson.

Ayon kay Atty. Michael Henry Yusingco, may punto umano si Roque, dahil kung titignan ang kabuuang ginagawa sa kaniya ay hindi na dapat kinakailangan pang i-contempt umano ito at pagsabihan na lamang dahil umaattend naman ito sa mga hearing at minsan lamang hindi nakadalo.

Aniya, hindi kailangang gawin ng mga kongresista ang ginagawang panggigipit kay Roque, dahil nagmumukha lamang itong abuse of power at abuse of position.

--Ads--

Sa kabila nito, binigyang diin naman ni Yusingco na wala namang magagawa ang dating spokesperson kundi ang sumunod sa batas at harapin ang kinakaharap na kaso.

Hinggil naman sa paglalabas nito ng video sa EDSA kung saan ay patuloy ang panawagan nitong mga “Walang katuturan” binigyang diin ni Yusingco na nasa ilalim pa rin ito ng freedom of expression at freedom of assembly.

Matatandaan na ikinalaboso sa detention facility ng Kamara nitong Huwebes ng gabi si dating Presidential spokesman Harry Roque matapos patawan ng contempt dahil umano sa pagsisinungaling sa isinasagawang imbestigasyon sa war on drugs ng nakalipas na administrasyon.