Dagupan City – Mga kabombo! Naniniwala ba kayo na “age is just a number”?

Dahil isang mag-asawa umano sa Kenya na pinatunayang ‘Love know no boundaries’.

Ayon sa ulat, kinilala ang bagong kasal na si Ibrahim Mbogo at Tabitha Wangui ng Kenya na ikinasal sa edad na 95 at 90.

--Ads--

Ang Kenyan couple ay unang nagkakilala anim na dekada na ang nakararaan at nagsasama sa loob ng 64 years.

Nang tanungin naman ang mga ito kung bakit ngayon lang nagpakasal ang magkasintahan, matagal na raw silang kasal sa Kikuyu ngunit napagdesisyonan na manaig ang kanilang pagiging kristyano kaya’t nagkaroon sila ng church wedding.

Sa kabila ng tagal ng kanilang pagsasama nangako pa rin sila sa isa’t isa na magsasama sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan.