Dagupan City – Ipinwesto ng mga pulis ang isang long-range acoustic device (LRAD) na lumulusob nang iligal sa Kingdom of Jesus Christ.

Ang long-range acoustic device ay isang aparato na parang loudspeaker na naglalabas ng napakalakas na tunog. Maaari itong magdulot ng matinding discomfort, pananakit ng tenga, at pinakamasamang sitwasyon, pansamantala o permanenteng pagkabingi.

Nasa tinatayang 3,000 na kapulisan naman ang lumusob sa KOJC compound dakong alas 3 ng madaling araw kanina sa ikalawang pagkakataon.

--Ads--

Ayon sa source, may planong bombahin ng kapulisan ang religious compound. Wala na rin umanong sasantuhin ang mga kapulisan, mapa-bata, babae o lalaki ay kanilang sasaktan, aarestuhin o babarilin.

Lumalabas na sapilitang pinasok at winasak ng mga pulis ang likurang bahagi ng KOJC Compound sa Davao City matapos rin nilang sirain ang CCTV.

Ito ay sa kabila ng usapan sa pagitan ng kapulisan at KOJC na maayos na papapasukin ang mga awtoridad.

Kaugnay nito, namataang magkasama naman si DCPO Chief Hansel Marantan ng mga kapulisan na lumulusob sa KOJC Compound

Samantala, pinayagan naman na makapasok sa KOJC Compound ang ibang hanay subalit ang mga pulis na nasa likurang bahagi ng KOJC sapilitang pumapasok at sinisira ang mga bakod.

Ayon kay Atty. Torreon, namimilit na pumasok sa KOJC religious compound. Pero sa kabila ng pag-uusap sa front gate ng KOJC, nauna nang sinira ng mga kapulisan ang back door ng KOJC. Sa kasalukuyan, patuloy naman ang pangangalap ng impormasyon ng ating himpilan ukol rito.