BOMBO DAGUPAN- Nanawagan sa pamahalaan ang dalawang Overseas Filipino workers para matulongan sila matapos hindi sila pasahurin ng kanilang employer sa Saudi Arabia.
Ayon kay Mary Joy Castro, isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan nadulas siya sa hagdan pero pinagtratrabaho pa rin siya ng kanyang amo at sinabihan na umaarte lamang at pinagbantaan pa.
Humingi siya ng tulong sa kanyang agency pero hindi umaksyon kaagad at kung hindi pa kinontak ang pamilya niya sa Pilipinas para ibalik siya sa agency ay hindi sila gagalaw.
Inakala raw niya ay ibabalik siya sa kanyang agency pero pinauwi na ng Pilipinas.
Noong una ay mabait ang kanyang amo pero nang magtagal ay naging madamot at sobra sobra siyang magtrabaho.
Gayundin ang reklamo ni Ma. Karen Joy Cabasal, isang overseas Filipino worker sa Saudi Arabia, biglaan ang pagpapauwi sa kanya ng kanyang employer at kakauwi lamang noong August 21.
Sinabi sa kanya ng kanyang agency na 1 week hanapan siya ng ticket pero hindi niya alam na ihahatid sa airport.
Sinabi umano ng agency nila sa Saudi na delay na makukuha ang sahod, pero pagdating nila dito ay wala na siyang makukuha ayon sa kanyang agency, dahil pinanggastos na sa kanilang ticket.