Dagupan City – Nakipag-ugnayan na ang Office of the Vice President, Social Welfare Development Beneficiaries, at iba pang ahensya sa lokal na pamahalaan ng San Carlos City para makapag handa na ng assistance para sa mga naapektuhan ng sunog.

Kung saan ay nakakategorya ang mga ito magmula sa stall owners, actual occupants, at peddlers na may layuning malaman ang maximum financial assistance na pwede nilang ipamahagi mula sa Local Government Unit.

Bukas naman araw ng sabado, nakatakdang makipagpulong ni San Carlos City Mayor Julier “Ayoy” Rusuello ang mga naapektuhan ng sunog upang mapag-usapan din ang plano ng kanilang relocation.

--Ads--

Kaugnay nito, katuwang ang mga City Engineers, aalamin ng mga ito ang damage o structural stability at integrity ng lugar dahil nasa 75% ang natupok ng apoy upang malaman kung ligtas pa ba ito sa mga tao kung sakaling bumalik sila sa kanilang pwesto.

Ayon naman sa alkalde, sa usaping financial assistance na kanilang ipapamahagi, patuloy ang kanilang pagsusumikap na maibigay ang pinakamalaking halaga na naaayon sa batas gaya na lamang ng pagbabase umano sa 25k pesos na minimum na itinutulong nila tuwing may nasusunugan ng bahay.

Para sa kanilang inisyal na plano, ang new public market ang magiging temporary location ng mga naapektuhan partikular na ang bakanteng kalsada sa loob ng new public market.